Cavs pinaluhod ang Knicks

SINILAT ng nangungulelat na Cleveland Cavaliers ang pasok na sa playoff na New York Knicks, 98-90 kaninang umaga sa malapit ng magtapos na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Bumalik mula sa back injury si Amare Stoudemire subalit hindi nito natulungan ang Knicks na maipanalo sa makukulit na Cavs.

Nasa pang-pitong puwesto ng Eastern Conference ang Knicks na may 33-30 card kung saan ay kalahating laro lang ang lamang nila sa pang-walong Philadelphia 76ers.

Si Kyrie Irving ang namuno sa opensa para sa Cavaliers matapos magkamada ng 21 puntos at tigatlong rebounds at assists habang pumangalawa si point guard Manny Harris na tumikada ng 19 markers, 12 boards at dalawang assists.

Sina Stoudemire at Steve Novak ang gumawa sa Knicks na may tig-15 points, habang tig-12 pts. sina Carmelo Anthony at Mike Bibby.

Ang ibang teams na nakasisiguro na sa playoff ng EC ay ang Chicago Bulls, Miami Heat, Indiana Pacers, Boston Celtics, Atlanta Hawks at Orlando Magic ayon sa pagkakasunod,

Ang 76ers ay kailangan pang manalo ng isa upang makasampa sa susunod na yugto.

Sa Western Conference, ang San Antonio Spurs, Oklahoma City Thunder, Los Angeles Lakers, Los Angeles Clippers, Memphis Grizzlies at Dallas Mavericks pa lang ang sigurado sa playoff.

Samantala, sa ibang NBA resulta, dinagit ng Hawks ang Celtics, 97-92 habang nagwagi ang defending champion Mavericks laban sa Golden State Warriors, 104-94.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply