CBCP ‘di mag-eendorso ng kandidato

INIHAYAG ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi sila mag-eendorso ng sinumang politiko sa anumang halalan sa bansa.

Ginawa ni CBCP President Cebu Archbishop Jose Palma ang pahayag matapos na nagpahayag si General Santos Representative at Bible ambassador Manny Pacquiao sa kahandaan nitong kumandidato sa darating na 2013 midterm election at pag-anib nito sa United Nationalist Alliance ni Vice-President Jejomar Binay.

Anang arsobispo, tungkulin lamang ng mga lider ng Simbahang Katolika ang magbigay ng mga importanteng gabay sa mga botante kung sino-sino ang dapat ihalal sa puwesto dahil karapatan at tungkulin ng mamamayan na tingnan ang track record at katauhan ng ibobotong kandidato.

“The Church, We only provide guidelines insignificance of action.The leaders must make a difference of better living. The people should look for track records,manner and many other ways to have a good leader.We will never name politicians but to guide,” pahayag ni Palma sa panayam ng Radio Veritas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply