Ceasefire muna tayo sa Semana Santa

KAHIT saan, dinig na dinig ang mga pasyon kaugnay ng Semana Santa o Mahal na Araw.

Napansin natin, yung mga komunidad na marami ang namamanata kay Itim na Nazareno ang buhay na buhay sa pagtataguyod ng mga pasyon.

Sa Metro Manila ito.

Sa mga lalawigan, yung mga may alagang santo para sa prusisyon ang nangunguna sa pagdaraos ng mga pasyon.

Siyempre pa, iba ang mga nagpapapasyon sa mga sentrong simbahan at kapilya.

Organisado ang mga ito at kanya-kanyang barangay o sitio ang mga halinhinang nagsasagawa ng pasyon sa mga simbahan, kapilya at bahay.

Malalim ang pananampalataya ni Juan sa tagapagligtas na ipinakilala ng mga ganid, malulupit at mapang-aping Kastila.

oOo

Meron pa tayong naobserbahan, Suki.

‘Yung ibang relihiyon na hindi naniniwala sa Semana Santa ay tinitingnan pala ang okasyon na pagkakakitaan.

May nakilala nga tayo na nagsasabing hindi maliligtas ang mga Katoliko at Aglipayano na naniniwala sa Semana Santa pero nagbebenta ng palaspas, suman, puto.

Maging ang mga anting-anting ay itinitinda rin gaya ng mga gawa sa maitim na kahoy na krusipiho, ngipin ng buwaya at ngipin ng mga pating na may tsenso o lagare sa nguso.

oOo

Iba naman ang ugali ng mga nangangariton.

Kahit may pambili naman ng pagkain, may mga pami-pamilya na hindi nagluluto sa kanilang mga tahanan kundi malibre ng pagkain sa mga isinasagawang senakulo at pasyon.

Welkam kasi kahit sino at libre ang pagkain. Nagpapabalot pa sila.

Teka nga pala, nasabi nating tumigil tayo sa kapuputok sa mga masasamang gawa.

Tama kaya?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply