Cellphone may tali, mandurukot nadakip

DAHIL sa may tali ang cellphone, naramdaman ng isang graphic artist ang pagdukot ng lalaking kasakay sa Light Rail Transit sa Caloocan City kaninang umaga.

Kasalukuyan nang nakapiit ang suspek na si Patrick Asuncion, 24 at taga-Cold St., Punta, Sta. Ana, Maynila.

Sa pahayag ng biktimang si Jeremias Crisostomo, 29 ng Dampalit, Malabon City, dakong alas-7:00 ng umaga, sumakay siya ng LRT sa Monumento Station at hindi pa nakalalayo ay naramdaman na may kumukuha sa kanyang cellphone dahil nakakabit ito sa senturera ng kanyang pantalon sa pamamagitan ng tali.

Nang makita ni Crisostomo na hawak na ng suspek ang kanyang cellphone ay agad niyang dinamba ito.

Pagtigil ng LRT sa kasunod istasyon (5th Avenue station) ay hinilang palabas ng biktima ang suspek sabay hingi ng tulong sa dalawang pulis na nakabantay sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply