Celtics sinuwag ng Bulls, Wizards olat na naman

DAHIL sa 26 puntos, anim na rebound at tatlong asiste ni Luol Deng kaya nagawang suwagin ng ng NBA-leading team na Chicago Bulls ang Boston Celtics, 93-86.

Malaking bagay din ang 15 points at 8 assists si C.J. Watson para iparanas sa Celtics ang kanilang second-straight loss.

Samantala, sa ika-apat na pagkakataon ay talo na naman ang Washington Wizards sa homecourt ng Detroit Pistons.

Nagtala ng 18 points at 7 rebounds si Greg Monroe para pangunahan ang panalo ng Pistons, 99-94.

Sa kabila naman ng 28 points at 10 assists ay kinapos pa rin si John Wall na maingat ang standing ng koponan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply