China bumuwelta: Standoff madadala sa ITLOS

BINALIKAN ng China ang Pilipinas sa pagpapadala ng notice sa Beijing kaugnay sa pagnanais ng bansa na idulog na ang usapin sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) dahil sa standoff sa Scarborough Shoal.

Ani Chinese Foreign Ministry spokesman Liu Weimin, labas sa batas ang pag-angkin ng Pilipinas sa teritoryo dahil paglabag ito sa basic principle ng international relations na kailangang respetuhin ang soberenya at territorial integrity ng bawat bansa.

Bukod dito, nanindigan din ang Beijing na huwag idulog ang usapin sa ITLOS dahil hindi rin naman kakatigan ang bansa sa nasabing ideya.

Hindi rin aniya basta-bastang maidudulog sa international arbitration ang teritoryo ng isang bansa, kung kailan gustuhin ng kabilang partido.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply