China ‘di kayang banggain ng Pinas – PNoy

INAMIN mismo ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi kakayanin ng Pilipinas na makipagmatigasan sa China kaugnay sa standoff sa Scarborough Shoal.

Ito ay makaraang sabihin ng Chief Executive na parang David and Goliath ang labanan ng Pilipinas at China lalo pa at napakalaki ng populasyon ng huli kumpara sa bansa.

Ito rin umano ang dahilan kaya malamig ang Malakanyang sa panukalang humingi ng saklolo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) o ng Estados Unidos sa nagpapatuloy na tensyon sa Scarborough Shoal.

Matatandaang ipinanukala ni Sen. Joker Arroyo ang ‘diplomatic offensive’ upang maigiit ang posisyon laban sa China na nanghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Tinuran ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ipinauubaya na nila sa Department of Foreign Affairs (DFA) kung papatulan ang nasabing panukala.

Aniya, dapat Pilipinas at China rin ang mag-uusap dahil sila lamang ang sangkot sa territorial dispute.

Sa ganito aniyang usapin ay kailangan na diplomatic solution ang pairalin sa problema sa pagdepensa ng soberenya.

“Yung ano po natin dito, is that our position has always been that first we have maintained our claim over, our jurisdiction, our authority over Panatag Shoal. But, having said that, we must always resort to the diplomatic solution. We must always avail of the diplomatic process to settle incidents like this one which is why we have always deferred to the DFA when it comes to situations like this to be the lead in facilitating that diplomatic process. There have been suggestions to that effect and we will leave it up to the DFA to respond to that. Ang sinabi… The DFA has already spoken on that. As far as I understand, this is something that can be… The diplomatic process involves two sides—the Philippines and of China,” anito.

Sinabi naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Dir. Benito Ramos, napakalayo ng kakayahan ng Pilipinas sa China kahit na may ginagawang positioning ang Philippine Coast Guard sa naturang lugar.

Tinuran ng opisyal na hindi magiging pabor sa Pilipinas sakaling tumindi pa ang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Nauna rito, nag-deploy pa ng karagdagang barko ang Philippine Coast Guard para palitan ang BRP Pampanga na una nang nadeploy sa area.

Sa isang hiwalay na pahayag, tiniyak ni Coast Guard spokesman Lt. Cmdr. Algier Ricafrente na hindi magdudulot ng anumang banta sa China ang kanilang pagpapadala ng BRP EDSA, na inaasahang darating sa lugar ngayong hapon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply