China handa nang makipag-usap sa Pinas

HANDA na ang China na makipag-usap sa Pilipinas upang tapusin ang sigalot sa kontrobersiyal na Scarborough Shoal.

Bilang pagpapakita determinasyon na pawiin ang tensyon sa pinag-aawayang grupo ng isla sa West Philippine Sea, sinabi ni Zhang Hua, tapagsalita ng embahada ng China sa Maynila na pinaalis na ng kanilang pamahalaan ang dalawang barkong nakadaong sa Bajo De Masinloc.

Sa isang pahayag na lumabas sa China official web portal na www.gov.ch, sinabi rin ni Zhang na handa na ang kanilang bansa na tapusin na ang tensyon sa pamamagitan ng isang maayos na diplomatikong pag-uusap.

Gayunpaman, pinagdiinan pa rin ng China na ang pinag-aawayang isla ay bahagi ng kanilang teritoryo na tinawag nilang Huangyan Island.

Ayon pa kay Zhang, isang Chinese surveillance ship na lamang ang nakadaong sa Scarboroug Shoal at umalis na noong Linggo ang Fishery Administration Ship na may tatak na “Yuzheng 310” at ang Maritime Surveillance Ship No. 084.

Aniya, mananatili sa Panatag Shoal ang surveillance ship upang magsagawa ng law enforcement mission.

Nauna nang inihayag noong Lunes ni Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernandez na apat na barko, tatlong fishing vessels at isang surveillance ship ang nananatiling nakadaong sa pinag-aawayang grupo ng mga islang hugis trianggulo.

Ipinagdiinan din ni Zhang na ang pag-alis ng kanilang mga barko sa isla ay patunay na ayaw ng kanilang bansa na patindihin pa ang tensyon, bagkus ay upang pahupaiin na ang sitwasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply