China nagsampa ng formal protest vs PHL

NAGSAMPA na ang China ng formal protest laban sa Pilipinas kaugnay sa hirit ng huli na dalhin na sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) ang gusot ng dalawang bansa sa Scarborough Shoal.

Nakasaad sa bahagi ng kalatas ng Chines Foreign Ministry na: “(China) formally protested after a request for international mediation submitted by the Philippines over the sovereignty of the Scarborough Shoal.”

Naipaalam na rin ng China sa Philippine Embassy sa Beijing ang ihinaing pormal na protesta laban sa hirit ng Pilipinas na international mediation, ani Deng Zhonghua, hepe ng Department of Boundary and Ocean Affairs ng China.

Muli, pinandigan ng China na bahagi ng kanilang teritoryo ang Scarborough Shoal.

Ayon pa kay Deng, ang pagdulog sa ITLOS ay labag sa fundamental principles ng international relations.

Nag-demand din ang naturang opisyal sa Pilipinas na irespeto umano ang soberenya ng kanilang teritoryo at huwag gumawa ng mga hakbang na magpapalala pa sa sitwasyon sa pinag-aagawang shoal.

Reports from AFP)

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply