China nagsinungaling sa pag-alis ng 2 vessel– DFA

IPINAHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagsinungaling ang China na pinaalis na nito ang dalawa nilang barko na nakaposte sa Scarborough Shoal.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez na taliwas sa pahayag ng China ay may limang Chinese fishing boat ang nasa Scarborough Shoal at nagsasagawa ng iligal na pangingisda.

Iginiit ni Hernandez na hindi magkakatugma ang pahayag ng Chinese Embassy sa inire-report nito sa Beijing kaya hindi maayos-ayos ang gusot sa Scarborough Shoal.

Sa ilalim ng trawl fishing gamit ang malalaking lambat, ay mabilis na nahuhuli pati ang mga maliliit na isda at iba pang endangered species.

Dahil dito masusing binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang galaw ng mga Chinese fishing vessel sa lagoon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply