China pinadadalo ng Pinas sa international tribunal

PINADADALO ng Pilipinas ang China sa isang international tribunal upang mapatunayan kung sino ang tunay na nagmamay-ari sa pinag-aagawang Scarborough Shoal o Panatag Shoal.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, na iniimbitahan niya ang mga Chinese leader sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) para maayos na ang gusot ng dalawang bansa.

Anang DFA chief, kung sigurado ang China na sa kanila ang naturang shoal ay dapat na sumipot sila sa naturang pulong at hintayin ang desisyon ng international body sa nasabing usapin.

Kaugnay nito, idudulog na rin ng Pilipinas ang nasabing usapin sa Association of South East Asian Nations (ASEAN).

Ang ASEAN ang mamamagitan sa umiigting tensyon sa pagitan ng Pinas at China.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply