China-Russia naval exercises sinimulan na

SA kauna-unahang pagkakataon ay sinimulan na ng China at Russia ang kanilang joint naval exercises na isinagawa sa Yellow Sea, sa east coast ng China, sa kabila ng tensyon sa pagitan ng China at iba pang Asian countries sa isyu ng regional territorial claims.

Ginawa ng China at Russia ang naval exercises malapit sa Qingdao City, Shandong na kinabibilangan ng air defense, anti-submarine tactics, anti-terrorism drills at ang pag-rescue sa mga na-hijack na vessels gamit ang  16 naval vessels at dalawang submarines ng China, habang apat naman ang warships ng Russia.

Kinumpirma naman ng China na nakipagkoopera sila sa Russia para sa pagsasanay na layong makamit ang regional peace.

Matatandaan na una nang inalmahan ng China ang isinagawang Balikatan exercises naman sa pagitan ng Pilipinas at Amerika dahil makakapagpapalala lamang umano ito sa nagaganap na standoff sa Scarborough Shoal.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply