China sa Pilipinas: ‘Alisin na ang mga barko’

UMAPELA ang China sa Pilipinas na agarang tanggalin ang mga barkong nakadaong sa pinag-aawayang Scarborough Shoal.

Sa pahayag na inilabas ngayong araw, sinabi ni Chinese embassy spokesperson Zhang Hua na may isang archaeological vessel ang nakadaong ngayon at  gumagawa ng pananaliksik hinggil sa mga lumubog na Chinese vessel sa pinagtatalunang isla.

Sa kanyang paratang, sinabi pa ni Zhang na galing sa Sarangani province ang nasabing barko at nagsasagawa ng ‘illegal salvage archaeology’ sa mga lumubog na barkong pag-aari ng kanilang bansa.

“This infringes on China’s rights and violates relevant international conventions. These above activities by the Philippine side raised further grave concerns of the Chinese side on the situation there,” pahayag pa ni Zhang.

Aniya, hindi ipinaalam sa kanilang pamahalaan na magkakaroon ang Pilipinas ng pananaliksik sa mga lumubog na barko sa isla.

Iginiit pa ng Chinese government na bahagi ng kanilang teritoryo ang Scarborough Shoal dahil sila ang nakatuklas dito noong ika-13 siglo sa ilalim ng Yuan Dynasty at pinangalanang Huangyan Island.

Gayunpaman, pinaninindigan ng Pilipinas na ang isla ay nasa loob ng Philippines 200-nautical-mile exclusive economic zone at nakapaloob sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kung saan kinikilala ang bansa bilang may-ari ng isla.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply