Chinese fishermen hindi hinaharas – Navy

NILINAW ngayon ni Philippine Navy chief Vice Admiral Alexander Pama na hindi nila hinaharas ang mga mangingisda ng Chinese fishing vessel sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Ani Pama, naging maayos ang pakikitungo ng mga tauhan ng BRP Gregorio del Pilar sa mga nahuling “illegal fishermen.”

Paliwanag ng opisyal, maayos ang pag-uusap ng dalawang grupo matapos na pinatigil ang pangunguha ng corals, pating at iba pang yamang dagat sa Scarborough Shoal.

Sa ngayon, batay aniya sa pahayag sa kanya ng kapitan ng bagong barko na ipinadala sa West Philippine Sea, humupa na ang tensyon sa kasalukuyang standoff sa lugar.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply