Chinese national nawawala

PINAGHAHANAP na ang Chinese national na napaulat na nawawala makaraang hindi umano ito makarating sa bahay ng kanyang kaibigan na dapat sana’y kanyang bibisitahin sa bayan ng Claver, Surigao del Norte.

Dumulog sa pulisya ang administration officer ng Shenzhou Mining Group Corporation sa Barangay Cagdianao, Claver, Surigao del Norte upang iulat na nawawala mula pa nitong Abril 11 ang Chinese national na si Rui Lei kung saan hindi nakarating sa mga kaibigan sa Surigao City matapos sumakay sa isang  pampasaherong van.

Sinubukan na ng kanyang kaibigan ang pag-contact sa biktima upang malaman ang kanyang lokasyon ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na positibong impormasyon.

Inilarawan ang biktima na katamtamang pangangatawan, maputi ang balat, itim ang buhok, nakasuot ng green polo shirt at blue na pantalon at nakasalamin ng huli itong makita.

Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya sa naturang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply