Chinese ship nasa Scarborough Shoal na naman

NAHAHARAP muli sa malaking suliranin ang Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa namataang pagbabalik ng isang surveillance ship ng China sa bahagi ng Scarborough Shoal matapos magpull-out ang mga Chinese fishing vessel na naunang umalis sa bahagi ng karagatan.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario, dalawa na ulit ang surveillance vessel ng China sa Scarborough Shoal na binabantayan ngayon ng nag-iisang patrol boat ng Philippine Coast Guard (PCG).

May isa ring barkong nakarehistro sa Pilipinas na may lulang siyam na Pranses na nagsasagawa ng archeological survey sa Scarborough Shoal ang hinaras din ng isang Chinese surveillance ship.

Naniniwala ang DFA na ang kakulangan ng tiwala ng China ang dahilan kaya patuloy na nagkakaproblema sa negosasyon sa tensyon sa Scarborough Shoal.

Nagkakaproblema rin si del Rosario sa sinseridad ng China kaugnay sa naunang negosayon sa panig ni Chinese Ambassador Ma Ke Qing.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply