Chinese vessels umalis na sa Scarborough Shoal

GANAP nang humupa ang tensyon sa Scarborough Shoal sa pagitan ng Pilipinas at China makaraang tuluyang lisanin ng limang fishing vessels ang Scarborough Shoal.

Ang paglisan ng China ay kinumpirma ni Lt. Gen. Anthony Alcantara, commander ng Northern Luzon Command, at sinabi nitong dakong alas-7:00 kagabi (Abril 13) ay ganap nang umalis ang Chinese maritime vessel sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal.

Dala umano ng mga fishing vessel ang mga nahuli nilang corals at buhay na pating.

Naniniwala si Alcantara na bahagi ito ng napagkasunduan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng diplomatikong negosasyon.

Tanging natitira sa lugar ang isang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at isang survey vessel ng China ngunit ito umano ay nagbabantay sa karagatan at wala nang umiiral na tensyon.

Marami din umanong maliliit na mangingisda na galing sa Pilipinas ang namataan sa paligid ng lugar na pinapayagan namang makapangisda.

Nauna rito, nagkagirian sa Scarborough Shoal ang dalawang grupo matapos mahuli ng Navy aircraft ang iligal na pangingisda ng ilang Chinese nationals sa lugar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply