Chiz pabor sa desisyon ng SC vs Hacienda Luisita

HINIKAYAT ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pamilya ni Pangulong Benigno Aquino III na sundin na lamang ang deissyon ng Supreme Court sa Hacienda Luisita upang pumanatag na ang kalooban ng magsasaka na matagal nang nakikipaglaban sa repormang agraryo.

Sinabi ni Escudero na kahit hindi siya pamilyar sa merito ng kaso, kailangan nang sundin ng pamilya Cojuangco ang desisyon dahil tanging ang Hacienda Luisita ang natitirang lupain sa Central Luzon na hindi nasasakop ng repormang agraryo.

“Hindi ako masyadong pamilyar sa merits ng kaso, gaya nga ng nasabi ko, subalit ang haba-haba ng panahon na pending ito, at kung titingnan nyo sa central Luzon ito na lamang yung naiiwang parsela ng lupa na hindi pa nahahati-hati sa mga magsasaka, hindi naman din siguro tama at maganda na ito ay patagalin pa. It has come to a point na tumigil na yung kaso. It has come to a point na matuldukan anumang isyu, sana tanggapin na yon ng magkabilang panig, sinuman ang nakalamng, sinuman ang dehado,” ayon kay Escudero.

Naniniwala pa si Escudero na walang kinalaman ang desisyon sa nagaganap na paglilitis ng impeachment case kay Chief Justice Renato Corona na nakatakdang ipagpatuloy sa Mayo 7 kapag nagbukas ang sesyon ng Kongreso matapos ang mahigit isang buwan na bakasyon.

Sinabi pa ni Escudero na tama lamang ang desisyon ng Supreme Court sa Hacienda Luisita dahil pabor ito sa karapatan ng magsasaka sa ilalim ng reforming agraryo.

Sa desisyon naman ni Corona na hindi mag-inhibit sa kaso, sinabi ni Escudero na sariling desisyon ng chief justice ang pangyayari na tulad ng mga senador na walang pumipigil sa kanila na lumahok sa anumang proseso sa en banc.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply