Cholesterol at paninigarilyo

KARAMIHAN sa atin ay iniuugnay ang paninigarilyo sa problema sa paghinga at ang cancer sa baga. Pero alam n’yo ba na ang paninigarilyo eh isa sa malaking sanhi ng sakit sa puso sa mga babae at lalaki?

Ayon sa cardiologist na nakausap ko, ang dahilan ng pagkamatay ng karamihan ay may kaugnayan sa paninigarilyo na nagmumula sa mga cardiovascular diseases tulad ng heart attack at stroke.

At ang banta ng cardiovascular diseases ay lumalaki ayon din sa dalas ng paninigarilyo ng isang tao.

Lumalaki lalo ang banta ng sakit habang tumatagal ang paninigarilyo. Ang mga taong nakakaubos ng isang kaha ng sigarilyo sa isang araw ay doble ang pagkakataon na atakehin sa puso kesa sa mga taong hindi naninigarilyo.

Ang mga babaeng naninigarilyo at umiinom din ng birth control pills ay mas malaki lalo ang banta na atakehin sa puso, stroke at magkaroon ng peripheral vascular disease.

Ang usok ng sigarilyo ay hindi lamang nakaaapekto sa taong humihithit nito. Kapag ikaw ay nanigarilyo, ang mga tao sa paligid mo eh nanganganib din na magkaroon ng mga sakit, lalong-lalo na ang mga bata.

Paano napapalaki ng sigarilyo ang banta ng Heart Disease?

Ang nikotina sa sigarilyo ay nagpapabilis sa pagtibok ng puso at nagpapakipot din ng arteries, na nagpapahirap sa pagdaloy ng sapat na dugo papunta sa ating puso.

Ang paninigarilyo kasabay ang mataas na cholesterol ang pinapalawig lalo ang banta ng sakit sa puso. Napapakitid din ng paninigarilyo ang blood vessels sa ating katawan, dahilan ng pagbagal ng daloy ng dugo at maaaring magdulot ng pagputok cholesterol plaque sa blood vessel wall at blood clots.

Paano tumigil sa paninigarilyo?

Walang paraan ng pagtigil sa paninigarilyo sa angkop para sa lahat. Para tumigil, kailangang handa ka emotionally at mentally. Kailangan ang pagtigil mo ay para sa sarili mo hindi para mapasaya ang mga kaibigan at pamilya mo. Nakakatulong din ang pagplano ng maaga.

Itong gabay ay makatutulong sa iyong pagsisimula.

Ano ang unang kailangang gawin para makatigil sa paninigarilyo?

Pumili ng petsa kung kelan ititigil ang paninigarilyo at sundin ito.

Isulat ang mga rason kung bakit ka titigil. Basahin ang listahan ng araw-araw, bago at katapos mo tumigil. Eto ang ilang tips na pwedeng pag-isipan.

Isulat kung kelan, bakit at kung ano ang iyong ginagawa tuwing naninigarilyo ka.

Malalaman mo kung ano ang nakakapagpasindi sayo ng sigarilyo.

Tumigil sa pagyoyosi sa ilang mga sitwasyon (tulad ng break o pagkatapos ng hapunan) bago ka tuluyang tumigil.

Gumawa ng listahan ng mga gawain na pwede mong gawin kapalit ng paninigarilyo.

Maging handa na gumawa ng ibang bagay kung gusto mong manigarilyo.

Magtanong sa doktor tungkol sa paggamit ng nicotine gum o patches.

Napag-alaman na nakakatulong ito sa ilan.

Sumali sa isang smoking cessation support group o program.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply