Clippers nanaig sa Timberwolves

UNTI-UNTING ipinararamdam ng Los Angeles Clippers ang kanilang lakas matapos ibaon ang Minnesota Timberwolves, 95-82 sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Humarabas ng 19 puntos, 13 rebounds at limang assists si Blake Griffin habang sumabay si Caron Butler ng 17 points at tatlong boards upang itaguyod ang Clippers sa 36-23 win-loss slate at manatiling malakas ang pagkakakapit sa pang-apat na puwesto sa Western Conference.

”It’s great to get a win no matter what, especially at this time of year when we’re fighting for spots,” pahayag ni Griffin, kung saan napaganda ng Clippers ang kanilang road games,(15-14). ”It’s a great win for us.”

Bumakas din sa opensa ng Clippers si Mo Williams na may 14 pts. at limang assists.

”It felt great. The team was in a great rhythm so I just didn’t want to mess up the rhythm the team was playing with,” saad ni Williams. ”I just wanted to step right in and do whatever I can to help the team.”

Si Nikola Pekovic ang umungos ng puntos para sa Timberwolves na may tinikadang 17 markers at anim na boards.

Samantala, nasilat ng Chicago Bulls ang Miami Heat, 96-86.

Sa fourth period kung saan ay may dalawang segundo na lamang ang nalalabi, ay isinablay ni Dwyane Wade ang 16 foot jumper kaya nagkaroon ng extra period.

Sa ibang NBA resulta, tinalo ng Detroit Pistons ang Charlotte Bobcats, 109-85.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply