Clippers pinasan ni Foye

SUMALPAK ng career-high eight 3-pointer si Randy Foye upang pasanin ang Los Angeles Clippers laban sa defending champion Dallas Mavericks, 94-75 sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Nagtala ng 28 puntos, tatlong rebounds at dalawang steals si Foye para sungkitin ng L.A. Clippers ang unang six-game winning streak sa loob ng dalawang dekada.

“I was just trying to be aggressive,” sabi ni Foye, ma bumira ng 8 of 15 from 3-point.

“I was waiting for somebody to knock (Foye) down, do something. We just didn’t do it, and really that’s on me,” saad ni Mavericks coach Rick Carlisle. “If we’re not aware and if we’re not going to be physical with a guy that gets it’s going like that then it’s on the head coach.”

Kumamada rin si Clipper power forward Blake Griffin ng 15 markers at 16 boards habang 13 points at dalawang rebounds ang inambag ni starter Caron Butler.

“We got him in some rhythm,” wika ni Clippers coach Vinny Del Negro. “They went zone, they lost him a few times on that left wing. They load up so much on Chris (Paul) and Blake (Griffin).”

Si Star player Dirk Nowitzki naman ang namuno sa opensa ng Mavs matapos magsalpak ng 19 points at apat na rebounds habang sinegundahan siya ni bench player Jason Terry na may ipinakitang 15 pts., apat na assists at tatlong boards.

Nasa pang-apa na puwesto sa Western Conference ang Los Angeles C. na may kartang 32-21 habang 30-24 ang record ng Mavs.

Samantala, kinatay ng Houston Rockets ang Chicago Bulls, 99-93 habang nilupig ng Memphis Grizzlies ang Oklahoma City Thunder, 94-88.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply