Code of Conduct on the South China Sea bubuhayin

ISINUSULONG na ng Foreign Ministers ang paggawa ng Code of Conduct on the South China Sea bunga ng tumitinding alitan sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, na napag-usapan ito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Cambodia nitong buwan.

Ayon pa kay Hernandez, mahalaga na magkaroon ng mekanismo ang rehiyon para maresolba ang giriian sa loob ng ASEAN at ng iba pang claimant state.

Muli ring inihayag ni Hernandez ang imbitasyon ng Pilipinas sa China na dumalo sa International Tribunal for the Laws of the Sea (ITLOS).

Naniniwala ang Malakanyang na ito ang tamang venue para sa dayalogo dahil aminado naman ang bansa na wala itong panapat sa mga barko at eroplano ng China.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply