COED inatado ng saksak sa Quezon City

PATAY ang 19-anyos na coed student makaraang pagsasaksakin ng tatlong kalalakihan habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Mycha Shadel Vinoya, dalaga, college student at residente ng 119 Odigal St., Brgy. Commonwealth, nasabing lungsod.

Si Vinoya ay idineklarang dead on-arrival sa General Malvar Hospital dahil sa tinamong maraming tama ng saksak sa kanyang katawan.

Tumakas naman ang mga suspek na nakilala lamang sa alyas Fermin, ng Mango St. Brgy. Commonwealth, QC at dalawang hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente 11:45 kagabi sa Commonwealth Avenue, corner Paceman Street, Brgy. Commonwealth.

Sinabi sa ulat ni PO2 Hermogenes Capili, naglalakad ang biktima kasama ang mga kaibigan na si Allen Alcaraz, Arvie Ogena at Bryan Mark Cullera sa naturang lugar pauwi sa kanilang bahay galing sa isang birthday party nang biglang harangin ng mga suspek ang kanilang daraanan na bisita din sa naturang birthday.

Nauwi sa mainitang pagtatalo at batuhan ang naturang tagpo at pinagsasaksak ng mga suspek ang biktima na ikinamatay nito.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek at iniwan ang duguang biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply