Comelec Commissioner kusang nagbitiw

IPINAHAYAG ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na kusang nagbitiw sa puwesto si Comelec Commissioner Agusto Lagman.

Ayon kay Brillantes, nagkausap sila ni Lagman hinggil sa kusang pag-alis nito sa kanyang posisyon makaraang impormahan ni Budget Secretary Butch Abad na hindi na siya irere-appoint kaya magpapaalam na lamang.

Aniya, idinahilan ni Lagman ang pag-object ni Senate President Juan Ponce Enrile sa kanya dahil sa naging alitan ng dalawang opisyal noong nasa NAMFREL pa si Lagman taong 1987.

Napag-alaman na simula noong Marso 22 pa nawala sa opisina si Lagman na pinanghihinayangan naman ni Brillantes.

“Effectively noong March 22. Effectively he was no longer signing any documents,” ani Brillantes.

Iginiit din ng opisyal na kawalan sa nasabing opisina ang pagkakaalis kay Lagman na kinilala bilang isang computer expert.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply