Comelec handa kung ibabasura ang pagbili ng PCOS machines

TINIYAK ng Commission on Elections (COMELEC) na nakahanda sila sakaling magdesisyon ang Korte Suprema na tuluyang ibasura ang kontrata para sa pagbili ng 82,000 precint count optical scan (PCOS) machine.

Gayunman, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na umaasa silang mamadaliin ng Korte ang paglalabas ng pinal na desisyon sa kaso.

Ang desisyon aniya ng Korte Suprema na naglalabas ng Temporary Restraining Order ay hindi naman sumentro pa sa merito kaya nangangahulugang hindi pa kanselado ang pagbili sa PCOS.

Pagtitiyak pa ni Jimenez na anumang oras ay nakahanda ang kanilang Bids and Awards Committee para magsagawa ng bidding para sa makinang gagamitin sa 2013 elections.

Gayunman, ang malaking problema aniya nila ay ang pondo dahil sa ang pagbili sa bagong makina ay aabutin ng P6.8 bilyon gayong ang pondo lamang nila para sa 2013 polls ay P7 bilyon lamang.

Sa pagtaya ni Jimenez, posibleng abutin ng anim na buwan ang buong bidding process para sa mga makina kaya kung magiging mabilis ang Korte Suprema sa pagdedesisyon ay hindi gaanong magiging malaki ang kanilang problema.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply