Comelec magpapaliwanag sa pagbasura sa ARMM general registration

HANDA ang Commission on Elections (Comelec) na magpaliwanag kaugnay sa pagbasura¬† ng commision en banc sa panukala ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na magkaroon ng general registration sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez maiintindihan din ni Pangulong Aquino kapag nabasa na ang resolusyon ng komisyon.

Sinabi rin ng opisyal na hindi pa naman nailalabas at pangako pa lamang ng Malakanyang ang P430 milyong pondo para sa re-registration sa buong ARMM.

Ani Jimenez, ang re-registration ay isasagawa na lang sa Maguindanao na una na ring naipanukala sa halip na sa buong ARMM.

Matatandaang naging sentro ng kontrobersyal ang Maguindanao dahil sa alegasyon ng dayaan noong 2007 at 2004 elections.

Paliwanag ng komisyon, upang malinis ang listahan ng mga botante ay sapat na ang pagpapatuloy ng biometrics registration sa buong ARMM.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply