Comelec pinasasagot ng SC sa PCOS deal

BINIGYAN ng Korte Suprema ng 10 araw ang Commission on Elections (SC) para magbigay ng panig kaugnay sa pinasok na P1.8 billion sa binibiling 82,000 precinct count optical scan (PCOS) machines.

Ang naturang PCOS ang inupahan noong 2010 sa Smartmatic at ngayon ay balak namang gamitin ng poll body sa 2013 elections.

Ayon sa kataas-taasang hukuman, kailangang ipaliwanag ng komisyon ang naging proseso ng kanilang pagpasok sa nasabing kasunduan lalo at kasama sa alegasyon ng ilang kritiko na hindi nasunod ang bidding process.

Kabilang sa mga petitioner at humihirit ng temporary restraining order ay sina Davao Archbishop Fernando Capalla, dating Marawi City Mayor Omar Ali, dating Quezon City Rep. Annie Susano, dating Vice President Teofisto Guingona at ang grupong Automated Election System (AES) watch.

Dahil naman sa urgency ng usapin, isasama na rin ito ng SC sa kanilang summer session sa Baguio sa susunod na linggo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply