Consolidation ng mga kaso ni GMA ibinasura

INAYAWAN ng mga abogado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ngayon ay Pampanga representative ang planong pag-isahin na lamang ang tatlong kaso nito kaugnay sa kontrobersiyal na $329-million national broadband network deal.

Iginiit ni Atty. Estelito Mendoza sa isinagawang pagdinig ng Sandiganbayan’s Fourth Division na paglabag sa karapatan ni GMA ang gagawing consolidation ng dalawang kaso nito kaugnay sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Dagdag pa ng abogado, sakaling mapag-isa ang mga kaso, may posibilidad na mahatulan ang dating Pangulo sa lahat ng mga ibinibintang sa kanya.

Kaugnay nito, binigyan naman ni Justice Gregory Ong ang prosecution ng 15 araw para sagutin ang motion for reconsideration ng depensa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply