Construction business ni Cuerpo kinansela

KINANSELA ng Palasyo ang lahat ng mga proyekto ng construction business ng pamilya ni dating Rodriguez Mayor Pedro Cuerpo.

Ayon sa report, kanselado na ang mga proyekto ng B.C. Cuerpo Construction Corporation sa gobyerno matapos ipag-utos ni Office of the President deputy executive secretary for finance and administration Nora Oliveros.

Ani Oliveros, ang negosyo ng pamilya Cuerpo ay ipaiilalim sa mga sumusunod na impositions alinsunod sa Revised Implementing Rules and Regulations of R.A. 9184: (1) forfeiture of bid security, (2) liquidated damages of 10% of the total contract price, at (3) iba pang sanctions kung saan pawede pa itong ma-blacklist.

Sa isang memorandum na pinirmahan ni Oliveros, inatasan niya si assistant secretary Juliana Sunga na magsagawa ng proseso at mga aksyong legal kung kinakailangan laban sa B.C. Cuerpo Construction Corp.

Matatandaang nakuha ng Cuerpo company ang napakalaking government infrastructure contracts sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation and Communication (DOTC) at Government Service Insurance System (GSIS), sa kabila ng katakot-takot na kaso ng graft, pang-aabuso, bintang na pagpatay at mga kaso ng illegal logging na kinakaharap niya sa fourth division ng Sandiganbayan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply