Corona binanatan na naman ni PNoy

MULI na namang binanatan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang hanay ng hudikatura na pinamumunuan ni CJ Renato Corona.

Matatandaan na bago ang Semana Santa, nagpatupad ng “no comment policy” ang Palasyo kasama si Pangulong Aquino kaugnay sa impeachment complaint ni Corona.

Sa graduation rites ng Centro Escolar University (CEU), kung saan ginawaran si PNoy ng Doctor of Laws honoris causa, inisa-isa ulit nito ang mga desisyon ng korte, kabilang ang desisyon ng Court of Appeals pabor sa Banco Filipino (BF) at pinagbabayad ang estado ng P41 billion.

Inulit din nito ang posisyon laban sa pagtatalaga kay Corona sa kabila ng umiiral na election ban.

Maliban sa SC, damay na rin sa binanatan ng Pangulo mga mas mababang korte.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply