Corona muling sinopla ng prosekusyon

SINOPLA ng House prosecution panel ang sinabi ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na babalikan siya ni Pangulong Benigno Aquino sa pamamagitan ng pagdiin sa kanya sa impeachment matapos ang naging hatol sa pamamahagi ng lupa ng Hacienda Luisita.

Sinabi nina Aurora Rep. Sonny Angara at CIBAC Party-list Rep. Sherwin Tugna na sa bagong tirada ng punong mahistrado ay parang sinasabi nito na nasusuhulan ang mga senator-judge.

Giit pa nina Tugna at Angara na ang panibagong atake ni Corona sa administrasyong Aquino ay may intensyon na i-discredit ang posibleng paghatol sa kanya dahil ang kaso ng Hacienda Luisita ay wala namang kinalaman sa punong mahistrado.

“By saying this, CJ Corona is again impliedly telling us that the senator-judges can be bribed or influenced. This is undermining the integrity of the Senate impeachment court,” ani Tugna.

Hinamon naman ni Angara si Corona na mag-focus sa muling pagbabalik ng impeachment trial sa Mayo 7 sa halip na mang-intriga.

“Maybe he is conditioning the mind of the public so that in the event of conviction, people will see some ulterior motive. Is he implying that the senator-judges are incapable of coming up with a just and fair verdict and that they will be subject to the Presidents dictates? I think we should have more faith in our elected officials,” ayon kay Angara.

Si Corona ay hindi nag-inhibit at nanindigan sa kanyang boto para sa pamamahagi ng lupain ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka at maibaba ang kompensasyon ng HLI.

Naunang nagbabala si Corona sa publiko na ang kanyang pagsuporta na maipamahagi sa magsasaka ang lupain ng naturang asyenda ay siyang lalong magtutulak sa administrasyong Aquino upang siya ay mapatalsik sa pwesto sa pamamagitan ng guilty verdict sa impeachment.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply