Corona nanindigang ‘di magbibitiw sa pwesto

MULING nanindigan ngayon si Chief Justice Renato Corona na hindi siya magbibitiw sa pwesto sa gitna ng nalalapit na pagbabalik ng impeachment trial sa Senado.

Ito ay matapos na ibulgar ng punong mahistrado na mayroon muling lumapit na opisyal ng Malakanyang sa kanya upang himukin na magbitiw siya sa pwesto.

Tumanggi namang pangalanan ng punong mahistrado ang naturang opisyal.

Sinabi naman ni Corona na si Pangulong Benigno Aquino III ang nasa likod ng nasabing pakana.

Una nang itinaggi ng Palasyo ang akusasyon ni Corona noon tungkol sa sinasabing emisaryo ng Malakanyang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply