Courtesy lane para sa ADB delegates ipatutupad

IPATUTUPAD ng Metropolitan Development Authority (MMDA) ang courtesy lane para pagbibigay kortesiya sa mga darating na delegado ng Asian Development Bank sa bansa.

Simula sa May 2 at 3, Miyerkoles at Huwebes ipatutupad ang courtesy lane simula sa bahagi ng Vicente Sotto (PICC), Roxas Boulevard hanggang sa Diamond Hotel mula alas-11:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang isang bahagi ng lane ay nakalaan lamang para sa mga delegado upang hindi maantala ang kanilang pagdating sa iba’t ibang nakatakdang pagpupulong sa naturang hotel.

Maliban dito padadaanin sa naturang linya ang ambulansya, bumbero sa panahon ng emergency cases.

Ipinaliwanag ni Tolentino na sa oras na natapos na ang paggamit ng delegado sa naturang lane, bubuksan ito para magamit ng mga motorista.

Samantala sa May 3, Huwebes simula alas 5:30 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi magkakaroon din ng courtesy lane mula sa PICC, Roxas Boulevard papunta ng EDSA at kakaliwa ang mga delegado patungong Magallanes, papasok ng Dasmariñas Village, Makati City.

Pinaalalahanan ng MMDA na ‘wag gigitgitin ang sasakyan ng mga delegado at magpakita ng kortesiya sa mga bisita para maipakita ang best behavior ng motorista sa ating bansa.

Tatalakayin ng mga delegado ang pagbibigay ng magandang kinabukasan para sa Pilipinas tulad ng ekonomiya, kalusugan, pagpapaunlad ng trapiko at iba pa.

Samantala sa Mayo 4, mula naman sa PICC ay gagamitin din ng mga delegado ang courtesy lane patungong Malacañang.

Magsisilbing host sa 46th Annual Meeting ang India na inaasahang dadaluhan ng 4,000 delegates mula sa 67 iba’t ibang bansa sa Asia.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply