Criminal offense sa drunk drivers pinaboran ng DOJ

PINABORAN ni Justice Secretary Leila de Lima ang panukala nina Senator Chiz Escudero at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na patawan ng criminal offense ang mga “drunk drivers.”

Sa pananaw ni De Lima, dapat lamang na magdeklara ng ng criminal offense sa mga kasong may kinalaman sa reckless driving.

Ang kanyang legal opinion ay tugon naman sa liham ni Senate Committee on Justice and Human Rights chairman Sen. Chiz Escudero.

Anang kahilim, wala siyang nakikitang dapat tutulan sa mga probisyon ng Senate Bills No. 169. 484, 956, 1307, 1339, 1988, 2078, 2215 at 2683 o mas kilala bilang “Anti-Driving Under the Influence of Alcohol and/or Dangerous Drugs.”

Binalangkas ang naturang panukalang batas upang mahinto o kung hindi man ay mabawasan ang bilang ng aksidente sa mga lansangan na pangunahing biktima ay ang mga driver na nagmamaneho ng lasing o nakagamit ng ipinagbabawal na droga.

Si Ginang Arroyo ay co-author din mula sa Lower House para sa kaparehong panukala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply