Cristine kinokontak na si Ara

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang aktres na si Cristine Reyes sa nakaalitang kapatid na si Ara Mina.

Gayunman sinabi ni Atty. Heather Annang, abogado ni Cristine na sa mga oras na ito ay wala pang tugon ang kampo ni Ara.

Nabatid din kay Annang na mas nais ni Cristine na manahimik na lang kaugnay sa kasong isinampa ng kanya ate.

Pinakamagandang paraan upang maplantsa ang gusot nilang magkapatid para kay Cristine ay ang direktang pakikipag-usap sa kanyang ate at hindi ang pagsasalita sa publiko.

Like na daw ni Cristine na magkaayos na sila ng kanyang Ate Ara at handa na siyang humarap dito.

May apela naman ang abogado ni Cristine na bigyan kapwa ng oras at espasyo ang kanyang kliyente at kapatid nito para maplantsa ang gusot sa pagitan ng dalawa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply