Cristine Reyes, out! KC Concepcion in sa Anne Curtis and Derek Ramsay movie!

SINAYANG ni Cristine Reyes ang malaking pagkakataon para sa kanyang blooming pa namang career. Imagine, recently lang ay tinanghal silang dalawa ni Anne Curtis bilang Box Office Queens ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards dahil sa big success ng movie nila with Derek Ramsay sa Star Cinema at Viva Films na “No Other Woman.” Nandiyan rin ang hit na teleserye nila ni Piolo Pascual sa Kapamilya network na “Dahil Sa Pag-Ibig” pero dahil sa intrigang kinasasangkutan ngayon ng young sexy actress kung saan inaway-away nito ang Ateng si Ara Mina at ang da height, hindi man lang nito isinaalang-alang ang Holy Week at hindi ginalang ang Diyos.

Dahil sa negative sa mata ng publiko, mukhang malaki ang magiging epekto sa kanyang career ng feud nilang ito ni Ara lalo pa’t lahat halos ng reporters ay kampi rito kay Ara.

Ang latest, out na siya sa Anne and Derek movie at si KC Concepcion na ang makakasama ng dalawa rito.

Kaya sana, totoo ‘yung nabalitaan namin na nakikipag-ayos na itong si Cristine sa kanyang Ate. Habang maaga pa ay gawan na niya ito ng paraan kung gusto pa niyang ma-save ang kanyang papaganda na sanang showbiz career. Pero kapag nakipagmatigasan siya, siya rin ang talo rito. Isang maikling kuwento galing sa kaibigang businessman ni Ara na nagpapatunay kung gaano ito kabait na Ate kay Cristine. Noong time na sikat na sikat pa ang aktres wala raw itong ginawa kundi kulitin ang naturang negosyante na involved sa publication business at may mataas na posisyon sa isang media club para kunin nito sa mga shows si AA. Yes, ang kapakanan talaga ng kanyang kapatid ang laging nasa isipan ni Ara, kaya hindi nga talaga nito deserved ang mga pinaggagawa sa kanya ng naturang half sister na young actress. Nakaka-turn-off naman gyud!

o0o

International agency ni Anna Dizon higit na mapagkakatiwalaan

MID 80’s pa nang makipag-sosyo si Anna Dizon sa isang local agency at nang magtagumpay ay nabili na nito ang share ng co-businessman at nag-solo na siya. So from local ay ginawang international ni Anna ang license ng kanyang ATD International Services Incorporated na dating nakikita riyan sa may A. Bonifacio. Humahataw talaga noon ang ATD sa rami ng kanilang mga talent sa bansang Japan.

Pero kahit na nagkahigpitan sa pagpapadala ng talents sa country of the rising sun, hindi pinanghinaan nang loob si Anna. Sa halip ay lalo pa siyang nagpursige at nagkon-concentrate sa pagpapapadala ng mga DH o domestic helper sa mga bansang Kuwait, Singapore at Hong Kong. Masyadong in-demand ito ngayon at libu-libong DH na ang nasa ibang bansa na napaalis ng kanyang International agency.

Ang maganda kasi sa ATD, wala ka ng ibang iintindihin kundi ‘yung passport mo lang na personal mong aasikasuhin at kukunin at sila na ang bahala sa lahat. Nangangailangan din sila ng cultural dancers, showband, pianist, group and solo singer na ibo-book nila sa mga malalaking club at hotel sa Japan. At para sa mga interesado dalhin ang inyong resume, demo CDs, ad materials, passport, photocopy, birth certificate sa mismong opisina ni Anna Dizon na ATD International Services Inc. sa Unit 11 B Gloria Bldg. 157 A. Bonifacio Ave. cor Agudo St., Quezon City. O kaya tumawag sa kanila sa tel nos.(632) 355-9180 at hanapin lamang sina Ms. Dina San Miguel at Ching Santos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply