Cyber service courses, top job sa 2012-2020

HINIKAYAT ni Sen. Alan Peter Cayetano ang sektor ng edukasyon at magulang na pagpayuhan ang bagong college students na mag-enrol sa traditional job creator tulad ng cyber service courses upang lumawak ang tiyansa na magkaroon ng trabaho pagkatapos ng graduation.

Pinagbasehan ni Cayetano ang pag-aaral ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may pamagat na “Project JobFits 2012” na nagsasabing lahat ng sektor ng serbisyo sa pangunahing tagalikha ng hanapbuhay mula 2012 hanggang 2020.

“Students should instead be encouraged to enroll in courses related to “traditional job creators” in the services sector, i.e., cyber services, health and wellness, tourism, banking and finance, transportation and logistics, and wholesale and retail trade,” ayon kay Cayetano.

Tinukoy din ni Cayetano ang agribusiness at mining bilang dambuhalang tagalikha ng hanapbuhay na kinilala ng DOLE.

Ayon kay Cayetano, lalo lamang lumalala ang kakapusan ng hanapbuhay sa bansa kung patuloy na mag-eenrol ang kabataan sa talamak na kurso tulad ng nursing, edukasyon at criminology dahil nakikipagkompetensiya pa ang bagong graduates sa industriya na may limitadong puwesto.

“We need to make sure that when these students graduate in the future, they will already have the necessary skills to gain employment in sectors that have the capacity to accommodate them. It will be a waste of valuable human resource if we don’t at least try to lead them to a future with more employment opportunities,” giit ni Cayetano.

Kasabay nito, hinikayat din ni Cayetano ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at DOLE na maglunsad ng career guidance symposium sa lahat ng eskuwelahan sa buong bansa.

“Dapat alam ng mga estudyante ang ibang kurso na may pangakong career na dapat nilang ikonsiderang pag-aralan,” ayon pa kay Cayetano.

Sinabi pa ng senador na dapat paunlarin ng higher education institutions ang kanilang kakayahan sa service sector-related courses upang mapahusay ang tiyansa ng kanilang mag-aaral na makapagtrabaho.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply