DA, BFAR mamamahagi ng seaweed seedlings

MAMAMAHAGI ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries & Aquatic Resources (BFAR) ng 32 toneladang semilya ng seaweeds sa Palawan.

Dahil dito inaasahang mabibiyayaan nito ang 320 pamilya sa walong munisipyo.

Ang Seaweed Seedlings Dispersal Project ay bahagi ng inisyatibo ng Administrasyong Aquino para maiangat ang kabuhayan ng mga komunidad na malapit sa baybaying dagat sa pamamagitan ng pagpapataas ng kanilang produksyon at pagkakaloob sa mga mangingisda at pamilya nito ng panibagong pagkakakitaan.

Kabilang sa walong munisipyo na makatatanggap ng seaweeds ay ang mga bayan ng Araceli, Dumaran, El Nido, Taytay, Roxas, Narra, Quezon at ang Puerto Princesa City.

Bahagi pa rin sa ayuda ng DA-BFAR sa seaweeds industry sa Palawan ay ang pagbukas ng P3.8 milyong Palawan Seaweed Tissue Culture Laboratory.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply