Daang Hari-South Luzon Expressway Link Road Project selyado na

PORMAL nang nagpirmahan ang kasunduan sa pagitan ng Department of Public Works and Highways at Ayala Corporation para sa konstruksyon, operasyon at pagmamantini sa 4 kilometrong Daang Hari-South Luzon Expressway Link Road Project.

Ang Ayala Corp. ang nanalo sa isinagawang public bidding sa kauna-unahang infrastructure building project ng Aquino administration sa ilalim ng Public-Private Partnership.

Ang mga pumirma sa kasunduan ay sina DPWH Secretary Rogelio L. Singson at Ayala Corporation Chairman at Chief Executive Officer Jaime Augusto Zobel de Ayala, kasama sina DPWH Undersecretary Rafael C. Yabut, DPWH Assistant Secretary Maria Catalina E. Cabral, at Ayala Corporation Managing Directors John Eric T. Francia at  Ginaflor C. Oris bilang mga saksi.

Ayon kay Secretary Singson, magsisilbing strategic access ang Daang Hari-SLEx Link Road Project  sa Cavite at Laguna at magiging solusyon sa masikip na trapiko sa Alabang-Zapote Road at Commerce Avenue.

Magdudugtong ang (Daang Hari-SLEx Link Road) sa pagitan ng Metro Manila at Cavite  at sa mga umuusbong na bayan ng  Imus, Dasmariñas at  Bacoor hanggang SLEx malapit sa  Susana Heights Interchange.

Ikinagalak ng kalihim ng DPWH ang pagpasok ng Ayala group bilang key player sa tollway operation at umaasa na tataas ang antas ng pamantayan sa kaligtasan at konbinyenteng biyahe sa mga motorista.

Inaasahang magsisimula ang proyekto sa Mayo 2012 at magiging operational ang expressway bago sumapit ang Nobyembre 2013 kung susundin ang Build Transfer Operate arrangement sa loob ng 30 taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply