Dahil kalaban ng ini-endorsong cellphone company: Sarah G. di na puwede mag-concert sa Smart Araneta

MAY chikang kumakalat ngayon na problemado raw si Boss Vic del Rosario dahil kahit na kaibigan pa nito ang part owner ng Smart Araneta Coliseum na si Mr. Manny Pangilinan, hindi na raw puwedeng mag-concert sa nasabing venue ang alagang si Sarah Geronimo. Kasi nga, matagal na itong endorser ng Globe Telecommunications at mahigpit itong kalaban ng Smart ni MVP.

So, in a way, may conflict talaga kapag nagdaos pa ng show ang Pop Star Princess roon. Kaya as of now, no choice na raw si Boss Vic kundi hanapan na lang ng ibang venue ang talent na itinuturing nitong goldmine.

Well, ang masasabi namin, saang venue mo man ilagay si Sarah tuwing may concert ito ay panonoorin pa rin siya ng milyun-milyon niyang tagahanga. Maraming beses nang napatunayan ng sikat na young singer-actress/TV host ang pagiging SRO Queen sa mga concert na ginawa nito sa Araneta Coliseum.

Teka, pa’no na si Vice Ganda? Banned na rin ba ito sa Big Dome dahil endorser rin siya ng Globe? Just asking lang gyud!

***

Cubilla family pinaka-Henyo sa Battle of the Champions ng Eat Bulaga

LAST Saturday ay muling ibinalik sa Eat Bulaga ang tatlong pares na mga Kampeon sa Pinoy Henyo para maglabanlaban sa Battle of the Champions! At sila ay ang Pamilyang Pinoy Henyo na Cubilla from Barugo, Leyte na kinabibilangan nina Jing at Jian, Dennis at Dhang na Inter-collegiate na mula naman sa Rizal Technological University at ang hinirang na grand champion last week na nagkamit ng P300,000 cash at P500,000 cash naman para sa pinanggalingang school na Panghulo National High School na sina Acoy at Phina. Pero this time, hindi sila ang nagwagi kundi ang Cubilla family ang siyang tinanghal na Pinaka Henyo.

Bale P100,000 cash ang napanalunan nina Jing at Jian at kalahati nito na 50 K ay kanilang ibinigay para sa EB Best Project ng Eat Bulaga. Tumanggap rin ang dalawang ito ng gift packs na kaloob ng Milk Magic, Heno de Pravia at CDO Holiday Cheesedog. Maraming mag-aaral sa elementary at high school ang pinag-aaral ng libre nang nasabing number one and longest-running noontime variety show at ‘yung EB Classroom Project naman nila ay patuloy na umaalalay sa mga eskwelahang napipinsala ng bagyo at lindol. Ilang classroom at library na rin ang nai-donate ng Bulaga sa malalayong lugar na hindi na napapansin at napagtutuunan ng ating gobyerno.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply