Dahil kay Ogie Alcasid, Sam Pinto pinayagang ipahiram ng Viva sa Regal

MUNTIK-MUNTIKAN nang hindi matuloy si Sam Pinto sa “Boy Pick-Up” ni Ogie Alcasid. Ang rason, maliban sa may ilang komokontrang insecure sa alaga ni Ms. Claire dela Fuente na maging part ng movie, naging malaking problema rin pala ni Mother Lily Monteverde ang pagiging exclusive ni Sam sa Viva Films ni Boss Vic del Rosario.

Mabuti na lang to the rescue itong si Papa Ogie. Ipinaglaban nito si Sam sa Viva dahil ang feeling niya’y hindi magiging kumpleto ang pelikula without Sam. Na kilalang-kilala ng million viewers ng Bubble Gang na kabatuhan niya rito bilang si “Neneng B” sa segment nila sa gag show na Boy Pick-Up. Naging considerate naman si Boss Vic nang kausapin siya ni Ogie at kaagad nitong ipinahiram sa kanila ang alaga ng most enduring diva.

So, sa pictorial ka-join na sa casts itong si Sam na dine-deadma raw ni Solenn Heussaff.

Yes, we heard na isa sa mga humaharang sa nasabing pretty sexy actress sa project ay itong si Solenn. Hay naku! mas bata at sariwa naman kasi ang looks ni Sam compared sa babaitang ito na sabi ay may bisyo sa katawan.

Well, it’s for you to find out gyud!

***

Gardo (JC de Vera) pinalabas na patay ni Donya Trining (Jacklyn Jose)

SA LATEST episode this week ng inaabangan nyong “Valiente,” labis ang pag-aalala ni Gardo sa kanyang amang si Damian (Michael de Mesa) dahil na rin sa paglabas ng isang bangkay na kinilalang bangkay ‘yun ng binata.

Ngunit alam ni Don Luis (Tirso Cruz) na tumutulong at kumukupkop ngayon kay Gardo ang nagbabantang panganib sa mga hakbang ng kaaway.

Kaya pinayuhan niya si Gardo na huwag na munang magpakita. Ipinagluluksa na, kahit hindi tanggap nina Damian at Maila(Nadine Samonte) ang pagkamatay ni Gardo. Ipinagpasya ni Maila ang paglayo upang makalimutan ang ka- lungkutang nararamdaman lalo na sa tuwing pagtulog ay lagi na lang binabangungot ang dalaga dahil nakikita nito ang masaklap na nangyari sa pagkamatay ng nobyo at sunog na sunog nitong katawan. Bago umalis si Maila ay ipinagtapat nito kay Theo ang matagal nang lihim na itinatago ng kanilang Mama na si Donya Trining. Na hindi si Gardo ang nakabuntis sa kapatid nilang si Leona (Niña Jose) kundi ang barkada nitong lalake na si Andrew Schimmer. Kaya ginawa ito ng kanilang Mama ay para palabasing masamang tao si Gardo at kamuhian nila.

Labis na nakokonsensiya at nagsisi ngayon si Theo sa pag-aakalang napatay na nga nito ang kababata at kaibigang si Gardo. Dahil dito, napilitang balikan ni Theo si Leona sa Mental Assylum kung saan ito naka-confine.

Ipinaramdam niya sa nasiraan ng bait na kapatid ang pagkakabahagi ng malaking kasalanang nagawa kay Gardo. Nagsisigaw si Leona at hindi nito mataggap na patay na si Gardo. Abangan ang nalalapit na panganganak ni Leona.

Si Damian naman ay nagluluksa pa rin at iniisip na wala nang saysay ang kanyang buhay dahil wala na rin ang kanyang anak na si Gardo. Si Joel (James Blanco) naman ay patuloy ang pagsuyo sa nagluluksang si Maila. Patuloy naman ang paghubog ni Don Luis (Tirso Cruz) kay Gardo upang magkaroon ng panibagong husay ang binatang nakaranas ng sobrang pang-aapi mula sa mga Braganza.

Para saan ang itinuturo sa kanya ni Don Luis? At kailan muling magbabalik si Gardo Valiente gamit ang kanyang maskara sa mukha. Pakasubaybayan ang lahat ng ‘yan gabi-gabi sa Valiente pagkatapos ng Wiltime Bigtime sa TV5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply