Dahil kay Wille, ang TV5 kinikilalang TV station sa buong mundo na walang tamang oras ang mga programa

MASAYA na raw si Willie Revillame sa TV5 pero hanggang ngayon ay hindi matapos-tapos ang sentimyento nito laban sa ABS-CBN. Gusto pa nitong palabasin na hindi siya naging mayabang nung panahong nasa Kapamilya siya.

Baka nakalimutan n’yang on national TV ay hinamon n’ya ang Dos na tanggalin si Jobert Sucaldito dahil kung hindi, siya ang aalis. Ano kaya ang tawag doon?

Kahit ngayon na nasa Singko na siya, nandon pa rin naman ang kayabangan n’ya, ang power tripping n’ya, at gustong-gusto n’ya talagang ipakita sa lahat na malakas s’ya sa Kapatid Network kaya ganun na lamang kung bastusin niya ang mga kasamahan niya. Halos lamunin niya ang oras ng ibang programa. Wala siyang pakialam sa ibang talent na tulad n’ya ay mahalaga rin sa kanila ang oras.

Dahil sa kanya, ang TV5 lang ang nag-iisang TV station sa buong mundo na walang tamang timeslot ang mga programa pagdating sa primetime. Susme! Pang-Guinness book of world record talaga, huh! Kaya nyo ‘yun?

***

Mga trapo ang makakasagupa ni Aga sa 4th District ng CamSur

LUMAKI at nagkaisip ako sa Tigaon, isa sa bayan na sakop ng 4th District ng Camarines Sur, ngunit hindi ko nabalitaang tagaroon pala sa San Jose sina Aga Muhlach. O, baka naman sa kawalan ko ng interes sa showbiz noon kaya hindi ko nalamang taga-karatig bayan pala namin ang aktor.

At para mapanindigan ng Kapatid talent ang kanyang pagtakbo bilang representative ng ika-apat na distrito ng CamSur sa Kongreso, nagpapatayo na pala ito ng bahay sa nasabing bayan at nagpatala na rin sa Comelec bilang botante roon.

Hindi basta-basta ang laban na susuungin ni Aga. Mga trapo (traditional politician) ang makakalaban niya.
Dapat ngayon pa lamang ay bumuo na siya ng mga lider sa naturang bayan sa mga karatig pook na sakop ng 4th District. Dahil kung wala siyang mga namumuno roon baka madaya lang siya in the end, kagaya nang nangyari kay Nora Aunor.

Balita nga namin, sa kagustuhan ng mga trapo na ‘to na mapalawig pa ang kanilang pananatili sa pwesto aba’y nagpasa sila ng HB 4820 dividing Camarines Sur sa dalawang probinsya. Bale dadagdag nila ng Nueva Camarines, at ang karagdagang probinsya na ‘to ay may dalawang distrito kung saan makakasama ang lugar na tatakbuhan ni Morning.

Sana makita namin ang senseridad at lakas ng loob ng aktor sa pagtakbo niyang ito sa aming lugar para kahit isang inugatan ng politiko sa amin ay mapatumba man lang niya nang magkaroon naman ng pagbabago at improvement sa aming distrito.

Susuportahan namin ang mister ni Charlene Gonzales kapag na-feel namin na gagawin niya ito para sa pagtulong at hindi para magkaroon lamang ng panibagong career sa politika.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply