Dahil sa masamang panahon: Rocket launch ng NoKor di tuloy

HINDI maisasagawa ngayong araw, Abril 12, ang inaabangang rocket launch ng North Korea bunsod umano ng sama ng panahon.

Ayon kay National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Director Benito Ramos, hindi na matutuloy ngayong araw ang pagpapakawala ng rocket mula ngayon hanggang bukas ng alas 6:00 ng umaga.

Matatandaang nag-anunsyo ang North Korea na magpapakawala ito ng isang rocket dala ang isang weather satellite mula Abril 12 hanggang 16 sa pagitan ng alas 7:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.

Paliwanag naman ni Ramos, nakararanas ngayon ng masamang panahon sa North Korea at malaki ang epekto nito sa paglipad ng rocket.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply