Dahil sa pera, bebot inutas ng ka-live-in

TODAS ang isang bebot matapos barilin ng ka-live-in matapos magtalo dahil sa pera sa Navotas, kagabi, Abril 15.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa leeg si Gina Ramos, 35, ng Little Samar, San Jose, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Elmer Estrada, 34.

Sa ulat, alas-10 kagabi nang magtalo ang magka-live-in sa loob ng kanilang bahay dahil sa kakulangan sa perang panggastos.

Nagalit ang suspek at kumuha ng baril bago pinutukan ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply