Dahil wala nang panggatas si baby: Ynez susugod sa Minadanao

LAMAN ng blind item si Ynez Veneracion. Nabuntis daw ito at nanganak. Ang problema, ;di sinusuportahan ng tatay ng anak ang bata. Kaya plano umanong sumugod na ni Ynez sa Mindanao kung saan tagaroon ang sinasabing nakabuntis sa kanya.

Pipilitin daw ng dating sexy star ang politikong tumisbun sa kanya na tulungan siyang palakihin ang bata.

Ang pinanghahawakan yata ni Ynez kaya malakas ang loob niyang lumusob sa lugar ng mga kababayan nating Muslim ay dahil sa batas o paniniwala sa Islam na puwedeng mag-asawa ang mga ito ng ilan hangga’t kaya nilang buhayin. Ibig sabihin, may pamilya na ang sinasabing matulis na politiko? Well, sa hirap ng buhay, kailangan talaga ng dating syota ni Mon Confiado ang saklolo para sa kapakanan ng kanyang anak, lalo ngayon na hindi na kalakasan ang kanyang raket.

***

May edad na TV host naghahanap ng babatiin kapalit ng datung

IPINAKIUSAP ng may edad ng TV host sa isang reporter na ihanap siya ng mga babatiin na magbabayad sa kanya. Mas maganda raw kung may negosyo ang babatiin para ‘di halata. Kaya kahit nagtitinda ng barbecue ay pinatos nito. At kahit yung naglalako ng sa malamig ay oks din sa kanya basta pay ito sa kanya. Napanganga na lang ang manunulat. Napatunayan n’yang ganid pala talaga sa kwarta ang host na ‘to.

***

Programa ni Bong Quintana tuloy-tuloy

ANG “OPM@Pagcor” ay inorganisa ni Bong Quintana, vice president for entertainment ng Pagcor nang maupo siya sa posisyon sa layuning matulungan ang mga kababayan nating Pinoy na may talent sa singing. At ngayon ay nasa ikalawang yugto na ang nasabing programa.

“This month, we’re doing ‘Sizzling Summer’ shows, and of course we always have a selection of bands, which is also always a crowd-pleaser,” excited na tinuran ni Bong.

Sa ngayon, ang Pagcor ay meron ng homegrown talents at ito ay sina Marie Joyce Tanana, Charles Kevin Tan, Renz Ruther Robosa, Steve Fernandez and Hadasa Von Camporaso, known as the Pagcor five, they are the winners of 2011’s “OPM@Pagcor.” Ginagawa ito ni Bong in preperation sa itinatayong Entertainment City Manila. Also known as Bagong Nayong Pilipino Entertainment City Manila, o Pagcor City, na sa ngayon ay in full swing ang constrauction sa reclamation area of Manila Bay.

“We will be like Vegas and Macau, and so we, together with the OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mangaawit), are preparing top-caliber performers for this international stage.”

Kaya itong “OPM@Pagcor2” ay bukas para sa mga aspirant singers sa buong bansa at ang grand finals night ay mangyayari on June 16 at Casino Filipino in Parañaque City.

The competition is open to all amateur singers, Filipino or with dual citizenship, between 18 to 30 years old (as of May 1), who have not won any major prize in any national singing contest.

The deadline for applications has been extended to May 7 in Casino Filipino Cebu; May 9 in Casino Filipino Bacolod; May 11 in Casino Filipino Davao; May 15 in Casino Filipino Tagaytay; May 19 in Casino Filipino Angeles; and May 22 to 25 in Airport Casino Filipino.

The top two winners from the six regional Casino Filipino competitions will be given cash prizes and will participate in the Professional Singing and Live Performance Workshop. To be conducted from June 5 to June 12, OPM luminaries will conduct this training session, preparing the contestants for the grand finals.

Prizes at stake are P300,000 and a performance contract for the grand winner; P200,000 for second place; and P100,000 for third place. The rest of the finalists will each receive P20,000 as consolation prize.

For details on OPM@Pagcor2 log on to www.pagcor.ph or www.opm.org.ph; call OPM at 576-5069 or 945-7003; or Pacgor Entertainment Department at 852-7760 or 852-7752.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.  Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply