Dahilan ng pag-atake ng hika

ANG hirap sa paghinga ang isa sa pinakanakakatakot na mararanasan ng isang bata o matanda ngunit ito’y pangkaraniwan na.

Ang asthma kung saan higit sa 15 milyong katao sa ating bansa ang nagkakaroon nito. Ito ang pangunahing dahilan ng pagliban at pinakasinabing dahilan, kung bakit naoospital ang mga kabataan. Bagama’t may gamutan na nakatutulong na makaiwas sa atake, makabawas sa sintomas, at ang iba ay natatalo ang sakit, ngunit ang asthma ay isang seryosong sakit. Ang sakit na ito ay pumapatay sa mahigit 4,000 tao sa Estados Unidos.

Ang allergy ang pinapangkaraniwang dahilan ng pagkakaroon ng asthma, ngunit ang asthma na nabuo lamang makalipas ang iyong pagtanda ay may mas maliit na tiyansya na dulot ng allergy.

Ito ang ilan sa kadalasang o pangkaraniwang dahilan ng pagka-atake ng asthma:

• Sipon at sinus infections – ang viral infection ay kadalasang nauuwi sa pag-atake ng hika o asthma.

• Emosyonal na problema – hindi ito ang nagiging dahilan ng kondisyon, ngunit ito ay nakapagpapalala dito.

• Stomach acid – kapag ikaw ay nakahiga sa gabi, ang asido ay tumutulo o tumutungo sa iyong sikmura at sa iyong esophagus na nagiging sanhi ng pagkairita ng lining nito na nagdudulot ng reaksyon sa ating dibdib tulad ng pananakit nito.

• Paninigarilyo – ang maagang pagkamulat sa usok ng sigarilyo ay maaaring maging sanhi ng pag-atake ng sakit. Ayon sa pag-aaral ang mga batang may magulang na gumagamit ng sigarilyo ay may mataas na tiyasya na magkaroon ng asthma.

• Ehersisyo – ang walang tigil na pisikal na gawain ay maaaring maging sanhi ng pag-atake ng hika ngunit ang ibang uri ng ehersisyo ay mahalaga din at nakatutulong upang magkaroon ng magandang kalusugan maging sa may mga asthma.

• Pagbubuntis o Pregnancy – mahigit 1- 3 babae na may asthma ay nakakaranas ng mas madaming sintomas nito habang sila’y nagbubuntis, ngunit sila rin ay madaling gumagaling.

• Panahon o Weather – ang masyadong malamig na panahon o paiba-ibang timpla ng panahon ay maaaring maging dahilan ng pag-atake ng hika.

• Mga kemikal – ang paghawak o direktang pagkalantad sa kemikal na nagdudulot ng pangangati ay maaari rin maging isang dahilan ng pag-atake ng sakit.

Ang sakit na hika ay karaniwang namamana.

Ang mga palatandaan ng sakit na hika ay kahirapan sa paghinga lalung-lalo na sa gabi, humuhuning tunog kapag humihinga, paninikip ng dibdib, sunod-sunod na pag-ubo at maputi at malapot na plema.

Upang iwasan ang pagsumpong ng hika ay iwasan ang pagkakaroon ng sipon at iba pang impeksyon sa sistema ng paghinga. Iwasan ang usok ng sigarilyo, pagkain o paglanghap ng anumang bagay na magiging sanhi ng hika at panatilihing malinis ang bahay.

Isa sa panlunas sa hika ay paginhawain at gawaing komportable ang pasyente. Ang paglanghap ng steam o singaw ng pinakuluang tubig makailang beses sa isang araw ay tumutulong sa pagpapalabas ng plema. Ang pagdahak ay makapagpapalabas ng mga plema at sipon na bumabara sa daluyan ng hangin. Ito ay nakapagpapaluwag sa pagpasok ng hangin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply