Dalagita kinalasan ng BF, lumaklak ng lason

PATAY ang isang dalagita nang tumungga ng lason matapos hindi matanggap ang pakikipagkalas sa kanya ng nobyo sa Malabon City, Linggo ng hapon, Abril 22.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Mary Jane dela Cruz, 16, estudyante ng Hulong Duhat, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-4:50 ng hapon nang makita ng kuya ng biktima na si Alvin na bumubula ang bibig ng dalagita sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, katabi ang botelya ng silver cleaning solution.

Sinasabing bago ang insidente ay naging malungkutin ang dalagita nang kalasan siya ng kanyang nobyo na kinilala sa pangalang Ar-Jay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply