Dalawang team binuo ng PNRI

BINUO ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) ang dalawang team na susuri sa mga debris ng paliliparing rocket ng North Korea na posibleng babagsak sa bansa.

Ayon kay PNRI Director Alumanda dela Rosa, may limang miyembro ang bawat team na siyang  pupunta sa mga lugar na posibleng pagbagsakan ng debris.

Kasabay nito, tiniyak ni Dela Rosa na walang dapat ikabahala ang publiko dahil isa lang itong military conventional test at wala itong dalang nuclear o geological hazard.

Pinaghahanda na ng contignecy measures ni Interior and Local Government Secretaray Jesse Robredo ang mga lokal na opisyal ng anim na rehiyon sa bansa upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at mga ari-arian mula sa pagbagsak ng missile.

Kabilang sa mga ito ang Region 1 o Ilocos Region, Region 2 o Cagayan Valley, Region 3 o Central Luzon, Region 4A o CALABARZON – Cavite, Laugan, Batangas, Rizal at Quezon, Region 5 o Bicol Region at Cordillera Region.

Ang mga naturang rehiyon ay natukoy ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa isang inter-agency meeting na maaaring bagsakan ng missile.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply