Dangerous drugs law palalakasin

DAHIL hindi na mapigil ang lumalalang pag-abuso sa droga at pagbebenta nito kahit na sa mga liblib na barangay sa buong bansa, nais ng isang kongresista na amiyendahan ang Dangerous Drugs Act of 2002 sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kampanya ng gobyerno laban sa droga.

Sinabi ni Rep. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro) na ang nagpahina sa paglaban sa iligal na droga ay dahil sa maling pakahulugan na ang problema ay hindi na sakop ng PNP, NBI kundi ng PDEA na lamang.

“Ito ang tamang panahon para suportahan ang mga mekanismo ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Customs at PDEA sa pagsugpo ng iligal na droga,” sabi ni Rodriguez.

Sa House Bill No. 5973 na iniakda ni Rodriguez, ang PDEA ang siyang magiging pangunahing ahensiya na tututok sa kampanya laban sa droga.

Mananatili sa kani-kanilang permanente at regular na anti-illegal drug unit para palakasin ang kanilang suportang mekanismo sa PDEA.

Makikipag-ugnayan at ipapa-alam ng NBI, PNP at BOC sa lead agency ang kanilang anti-drug operations sa loob ng 24-oras matapos ang terminasyon at imbestigasyon at aktuwal na pagkakadakip sa suspek at pagsamsam sa mga ipinagbabawal na droga at mga kemikal nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply