Dapat daw anak ang unang gumawa ng move: Gabby inisnab si Cloie

NAGKA-BONDING na ang tatlong anak ni Gabby Concepcion na sina  KC, Garie at Cloie.

Pero bakit hindi nakipagkita si Gabby kay Cloie (anak nila ni Jenny Syquia).

“Timing lang, everything is timing. There will come a time na siya naman ang maghahanap… katulad ni KC at ni Garrie, sila na mismo ang naghanap sa akin.”

Tinanong daw ni KC si Cloie kung gustong makipagkita sa ama pero hindi pa raw ito ready kaya nirerespeto ni Gabby ‘yun.

Samantala, Viva ang nagha-handle ng career ni Gabby ngayon. Paano siya pinayagan na gawin ang ‘The Mommy Re- turns’ na pelikula ng Regal Entertainment, Inc. ni Mother Lily Monteverde na showing on May 9.?

“Okay lang, kasi nauna yung Regal, e. Bago pa ako pumirma sa  Viva, ang offer ni Mother, nandodoon na noon pa, hindi lang nagagawa pa. Verbal yun, it was a verbal agreement.”

Kailan naman kaya matutuloy ang plano na pelikula nila nina KC at Sharon Cuneta?

“Yun ang hindi ko alam kung kailan kaming tatlo, although marami ang nagre-request sana.
Sabi ko nga kay Boss Vic (del Rosario ng Viva), ‘Boss Vic, okay yan, basta gumawa tayo ng istorya, basahin natin yung istorya, tapos tingnan natin kung okay yung istorya.

“Kasi importante talaga  yung istorya, sa tingin ko, ha? 85 to 90 percent nasa istorya e, pag gumawa ka ng pelikula, e. Sa tingin ko lang ha, maybe wrong, pero case-to-case rin, no?

“Kung minsan nasa comedy nila kung paano nila mae-execute iyon, kung comedy. Kung drama talagang dapat meron kang paghuhugutan tapos meron kang

susundan na mga eksena. “Istorya ang kailangan sa drama e, so depende kung ano ang gagawin namin.

Drama ba ang gagawin namin, o comedy or musical or action. Musical puwede rin, e ako pa naman napakagaling kong sumayaw,” bulalas ni Gabby.

May posibilidad pa rin naman na matuloy ang balik-tambalan nila ng Megastar.

Bakit hindi natuloy this year ang pagsasama nila sana ulit ni Sharon sa pelikula?

“Dahil ayoko raw, whatever reason. Ang totoong dahilan nun is manganganak yung misis ko. Siyempre iba na ang buhay natin ngayon. Noong araw hindi

natin pinag-uusapan yung mga relasyon ng mga artista, hindi pinag-uusa- pan, it’s a no-no!

“E ngayon kahit na anong pag-usapan mo okay lang, in fact, it frees you.

“It opens you up to become more real, wala kang itinatago kasi habang itinatago mo, lalong hinahalungkat nila, e.

“E di ilabas mo na lahat.

“Ang misis ko manganganak, ayokong sabihin ng tao na bigla akong aalis papuntang Amerika, iniwanan kong naka- bitin yung pelikula namin ni Sharon.

Ayoko rin na merong love angle kami tapos yung misis ko e buntis.

“So maraming consequences, e. Aalis ako papuntang Amerika dahil doon siya manganganak. Bitin ang pelikula, ‘Si Gabby hindi tinapos’, ayoko ng ganun. Or ‘Ano ba naman yang si Gabby nakikipag-ano kay Sharon e happy na siya kay Senador, may mga anak na sila!’

“Tapos ‘Si Gabby hindi na natigil yung’… e ayoko ng ganun.

“Iniisip ko lang yung worst-case scenario. Kaya sabi ko, ‘Boss Vic, para walang gulo, huwag na muna this year, next year na, hintayin muna nating manganak yung misis ko’.

“Kawawa naman yung misis ko dahil nangyayari ang lahat ng ito, e ang emotions ng misis ko hindi ko na napapansin, kawawa naman, di ba?”

Sa July manganganak ang asawa ni Gabby.

“Kaya alangan, kasi yung pelikula uumpisahan ng May, hindi matatapos ng June yan, tutuloy ng July

e manganga- nak na yung misis ko, iiwanan ko.

Sasabihin, ‘Si Gabby binitin ang pelikula, iniwanan, nag-walk-out!’

“Naku, ayoko na ng ganun!”

May nagtanong kay Gabby, kung ano ang masasabi niya sa isyung umayaw siya sa project dahil “very healthy” si Sharon at hindi sila bagay?

“Na nagagalit daw si Sharon dahil kung sinu-sino ng mga artista ang tumanggi sa kanya tapos ako rin? So doon na siya nagalit nang husto?

“Wala namang katotohanan iyon. Kapapaliwanag ko lang, na iyong misis ko, buntis. Ako mismo ang nagsabi kay Boss Vic, sabi ko ‘Boss Vic, next year

na lang, yung asawa ko buntis, hindi naman tama na ganitong anggulo kami ni Sharon tapos yung asawa ko buntis, kawawa naman.”

Hindi rin daw totoong umalis siya sa TV5 nang lumipat doon si Sharon at sa halip ay bumalik si

Gabby sa ABS-CBN.

Tumawa muna nang tumawa si Gabby bago ito sinagot…

“Hindi naman ako contract star (ng TV5) maski noong una, Viva ang aking pinirmahan, as management.

“May partnership sila kasi yung huling teleseryeng ginawa namin, yung P.S. I Love You is owned… the

title is owned by Viva, but the production is a co-venture, co-production ng 5 and ng Viva.

“So ako, talent ako Viva, kinuha ako ng Viva pero ang kontrata na kay Vic del Rosario at channel 5,” paglilinaw pa ni Gabby.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply